The "said" and the "unsaid"
"Simpleng simple lang ang operasyon na ito, Jig," sabi ng lalake. "Para ngang hinde operasyon ito."
Tumingin ang babae sa lapag kung san nandoon ang mga paa ng lamesa.
"Alam ko naman na hinde ka mag-aalala, Jig. Wala naman ito. Para lamang mahanginan."
Hinde nagsalita ang babae.
"Sasamahan kita at lagi lng akong nasa tabi mo sa lahat ng oras. Papahanginan lamang nila ito at magiging maayos na ang lahat."
"Pagkatapos nun, anu ang gagawin natin?"
"Magiging maayos tayo pagkatpaos noon. Parang dati lang."
"Paano mo naman nasabi yon?"
"Yun lang naman ang sumasagabal sa ating dalawa. Yun lang naman ang hinde nagpapasaya sa atin."
Tumingin ang babae sa kurtina, nilabas ang kanyang mga kamay at hinawakan ang dalawang tali ng kurtina.
"Sa tingin mo ba, pagkatapos nito ay magiging maayos at masaya tayo?"
"Oo naman. Wag kang matakot. Marami akong kilalang tao na nagawa na ito."
"Ako rin naman," sabi ng babae. "At pagkatapos nun, silang lahat ay masaya."
"Pero," sabi ng lalake, "kung ayaw mong gawin wag mong gawin. Hinde naman kita pipilitin kung ayaw mo. Pero alam ko simple lang ito."
"At gustong-gusto mo?"
"Sa palagay ko ito ang tamang gawin. Pero ayaw kong gawin mo kung ayaw mo talaga."
"At pagginawa ko ba magiging masaya ka at lahat ay magiging ayos na at mamahalin mo ako?"
"Mahal kita. Alam mo yan."
"Alam ko. Pero pagginawa ko ito, magiging maayos na ulit pag sinabi ko na ang mga bagay ay parang puting elepante, at iyo bang magugustuhan?"
"Magugustuhan ko. Gusto ko pero hinde ko maisip. Alam mo naman kung paano ako mag-alala."
"Pag ba ginawa ko, di ka na mag-aalala?"
"Di ako mag-aalala dahil ito ay simple lang."
"Edi gagawin ko. Wala naman akong pakealam sa sarili ko."
"Anung ibig mong sabihin?" "Walang pakealam sa sarili ko."
"Kasi, nag-aalala ako sa iyo."
"Alam ko. Pero wala akong pakealam kung anu man ang mangyari. Gagawin ko ito at lahat ay magiging maayos na."
"Ayaw kong gawin mo ito kung ganyan ang nararamdaman mo."
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment